This will link you to a nice Letter

6 12 2009

Sulat ni Nanay at Tatay

October 30th, 2008

Just want to share this wonderful article written by Rev. Fr. Ariel F. Robles, a CWL Spiritual Director of St. Augustine Church in Baliuag, Bulacan. Naiyak talaga ako each time I read this.


“Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.


Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.


Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.


Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.


Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.


Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho. Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.


Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.


At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…”





Protected: The Big Monster in work

6 12 2009

This post is password protected. To view it please enter your password below:






Protected: I don’t Love Her Anymore, I Swear

1 09 2009

This post is password protected. To view it please enter your password below:






Mabuting Limutin Nalang at Baka Masaktan Lang

26 08 2009

Paano siya maiisip sa lahat ng sandali,

Kung sa simula pa lamang ako ay binalewala.

Eto nga at sinusubukan ko nang pawiin ang pag ibig.

Paano ko nga ba babasahin ang kanyang mga tingin,

Kung sa tuwing mag aabot ito, may pumipitik sa aking damdamin?

Bakit sa kabila ng kanyang pagiging krung-krung ako ay humahanga?

Marahil banta ng pagibig, na  ako lamang ang nakakaramdam.

Sa bandang huli ako lang din ang masasaktan.





Sa Bawat Tuksuhan

26 08 2009

Mahirap harapin ang mga tuksuhan.

Kung siya man ay natutuwa kasabay ng mga kasamahan,

Ako naman ay nadudurog sa pagtitimpi na ako ay makilig.

Sapagkat ako ay nagmamahal sa walang nakararamdam,

Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng panaginip.

Ang lahat ng mga gabing ako ay nakamasid sa mga tala,

Tulad ng aking ginagawa ‘pag pinahihintulutan ng panahon,

Nais ko itong ibaling sa aking mga pangarap.

Mula sa pagbuo ng kanyang mukha sa mga nagniningning na tala.





Sick of Love

16 08 2009

I want to be next to her.

But I cannot do that as her friend.

I do not know how to share my life to her,

And share from her life too.

I cannot become one of her friends.

Well this is unselfish love, I am now sure.

And I cannot ask more than what she gives.

I love her more now and questions never end.

From now, how can I better live?

Forget and suppress this crazy feeling.

Maybe to offer her lovely things,

And wait her fall so I can love her forever.

I’m so sick of love.

Time bends and it cannot make decisions.

My brain is paralyzed, it makes no precision.

What signs should I wait, or things I should make?





Protected: A Sad Story: Dreaming her to love me back

16 08 2009

This post is password protected. To view it please enter your password below:






Protected: sinabon ako kanina

4 05 2009

This post is password protected. To view it please enter your password below:






Protected: women bringing problems and inspiration in my life

3 05 2009

This post is password protected. To view it please enter your password below:






I want to go to puerto galera and palawan

6 04 2009

yeah, i really miss going into places.too bad i dont have somebody to go with since, I can only afford dutch treat.